Watch “GIMME 5 – Pag Kasama Ka (Official Music Video)” on YouTube

Napili ko ang kantang ito dahil kahit anong mangyari sa aming pagkakaibigan, walang iwanan, walang bibitaw kahit dumaan man ang anumang unos hinding hindi kami matitibag dahil sa tibay ng aming pagkakaibigan.

Ang kantang ito ay nagpapaalala sakin ang tunay na kahulugan ng salitang ‘pagkakaibigan’. Tiwala sa isa’t-isa, pagmamahalan sa bawat isa at nagdadamayan sa kahit anong problema.

Kahit na magkalayo-layo kami pagdating ng panahon, kapag papakinggan ko ang kantang ito maalala ko ang mga araw na kasama ko sila. Ang masasayang araw na kasama ko sila sa school man o kahit saan. Mga asaran, mga sagutan, mga away man at di pagpapansinan alam ko na mahal na mahal namin ang isa’t-isa.

I am blessed kasi nakilala ko ang mga kagaya nila. No need to mention their names, alam na nila kung sino sila.

Lovelots. 🙂

Leave a comment