(this is not related to foods..)
10 Uncommonly used Filipino words
1. Alipugha – isang responsableng tao
Halimbawa: Sila ay pinalaki ng kanilang mga magulang na maging alipugha sa lahat ng bagay.
2. Salipawpaw- isang sasakyang panghimpapawid; eroplano.
Halimbawa: Si Cathy ay mahilig magbakasyon sa iba’t ibang panig ng bansa kaya lagi siyang nakakasakay sa salipawpaw.
3. Miktinig- mikropono o ‘microphone’ sa ingles.
Halimbawa Parang nakalunok ng miktinig si Jin dahil sa sobrang lakas nitong magsalita.
4. Tsubibo- carousel; isang sasakyang pangkatuwaan at libangan na binubuo ng isang bilog at umiikot na kalatagan o plataporma at mga upuang pampasahero.
Halimbawa: Sa t’wing pupunta sa Enchanted Kingdom ang pamilya Del Valle, tsubibo ang lagi nilang inuunang sakyan.
5. Butsaka- bulsa ng damit/pantalon.
Halimbawa: Ang tanging laman ng aking butsaka ay ang aking ballpen.
6. Balintanaw- imahinasyon
Halimbawa: Hanggang balintanaw na lang ni Jane na makikilala niya ang kanyang mga idol na nasa Korea.
7. Durungawan- bintana; lagusan ng hangin upang ito’y makapasok. Ito rin ay nakakatulobg upang maging maliwang ang tahanan.
Halimbawa: Parating nakadungaw si Hazel sa durungawan tuwing gabu upang masilip ang kagandahan ng langit at buwan.
8. Hunsoy– isang sigarilyo na mataba at hindi nauubis dahil ang lalagyan ay isang bakal.
Halimbawa: Hunsoy ang biniling regalo ni Iuhence sa kaibigan niyang si Tyron sa kaniyang kaarawan.
9. Badhi- guhit sa palad ng tao at palatandaan ng kapalaran.
Halimbawa: Tinignan ng manghuhula ang mga badhi sa kamay ni Vienna.
10. Katoto- kaibigan
Halimbawa: Matalik na mag-katoto sina Tob at Lee mula elementarya.
Ps. Wala pong pictures kasi mahina po yung internet T___T